Poser ka daw??!!

Pero malakas ang feeling ko totoo ka. :(
Haiiii. Magparamdam na kasi. :(

Buhay pag-ibig

Hindi naman ganoon katingkad ang buhay pag-ibig ko kung ikukumpara sa iba. Bilang isang babaeng MUSLIM at ipinanganak sa lupang konserbatibo. ang pagkakaroon ng nobyo ay hindi tanggap. Sa katunayan sa batas ng ISLAM, tinuturing itong kasalanan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoon karelihiyosong tao pero alam ng DIYOS na sinisikap kong maging isa. Subalit dahil siguro sa panahon ngayon ay karamihan sa mga kabataan ay hindi na nakakaligtas sa pagkakaroon ng nobyo at nobya mapa-MUSLIM man o hindi.

Kasalanan, napakahirap nitong iwasan. Bilang isang tao ay likas na sa atin ang makaramdam ng pagmamahal sa isang tao. Una kong naramdaman ito nung nasa ika-apat na taon na ako ng high school. Nagsimula sa text text at hanggang sa bumigay na nga ang aking puso. Cellphone, isa sa mga salot ng kabataan ngayon. Madami ang nabibiktima nyan mapa-bata man o matanda. Kung iisipin napaka-bata ko pa ng mga panahong iyon. Subalit naramdaman ko na ang kahulugan ng pag-ibig. Minahal ko sya. Sobra sobra. Dahil sa alam naming dalawa na hindi tanggap sa ISLAM ang magkaroon ng kasintahan ay hanggang text lang kami ngpapalitan ng mga nakak-umay na mensahe. (sa susunod ko na isusulat ang tungkol sa kanya), Basta sa kasamaang palad pagkatapos ng isang taon, ay nagkahiwalay kami. Kahit pa sabihin na hindi kami ngkasama, pero ibang klase pa rin ang sakit. At maniwala man kayo o sa hindi, may kaunting sakit pa din ang nakatatak dito sa puso ko. maari nyong isipin na na-TRAUMA nga yata ako. Nakakatawa pero parang ganun. Ilang taon na din ang nakalipas, pero naiisip ko pa din sya paminsan minsan. Sa kolehiyo may mga lalaki din akong naging ka-"fling-fling", kung tawagin nila. Karamihan sa text lang din lahat nag-umpisa. Pero walang seryoso. Kasi naiisip ko na wala ding patutunguhan lahat. Hindi naman ako "man-hater" talaga, pero ewan ko anong nangyari. Dahil na rin siguro takot ako sa magulang ko at sa Diyos kaya walang seryosong relasyon ang nagdaan sa buhay ko. Binubuhos ko na lang ang attensyon ko sa kakaisip na ang lalaking nakatadhana sa akin ay ang aking high school classmate na itago natin sa palayaw na JS 3218. <3
Mahaba habang kwento din yan kaya sa susunod na lang. :D

Posible kaya? ;(

Hindi ko siya kilala, 
Pero bakit parang tinamaan ata ako sa kanya?
Alam ko na lokohan lang lahat, 
Subali't bakit parang ako yata ay umaasa?
Madalas nyang sinasabi na totoo,
Pero ako itong hindi nagseseryoso.

Matagal ko ng hindi pinaniniwalaan ang mga katagang,
"mahal kita", "miss na kita",
lalo na sataong hindi ko pa nakikita.


Pambihira, pinaglalaruan kaya ako ng tadhana?
Bakit para yatang gusto kong maniwala?

Pipigilin ko na ang sarili ko habang maaga.
Gagawin ko ito, sapagka't ito ang alam kong tama.
Bubuwagin ko na habang wala pang nabubuo.
Wawakasan ko na habang hindi pa nag-uumpisa.
Titigil na ako hanggat sa kaya ko pa.


HP will end. :(

It breaks my heart.