Hindi ko siya kilala,
Pero bakit parang tinamaan ata ako sa kanya?
Alam ko na lokohan lang lahat,
Subali't bakit parang ako yata ay umaasa?
Madalas nyang sinasabi na totoo,
Pero ako itong hindi nagseseryoso.
Matagal ko ng hindi pinaniniwalaan ang mga katagang,
"mahal kita", "miss na kita",
lalo na sataong hindi ko pa nakikita.
Pambihira, pinaglalaruan kaya ako ng tadhana?
Bakit para yatang gusto kong maniwala?
Pipigilin ko na ang sarili ko habang maaga.
Gagawin ko ito, sapagka't ito ang alam kong tama.
Bubuwagin ko na habang wala pang nabubuo.
Wawakasan ko na habang hindi pa nag-uumpisa.
Titigil na ako hanggat sa kaya ko pa.


0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento