Madami-dami na ding kaganapan ang nangyari. Madami dami na din akong napagtanto. Mga bagay bagay na ngayon ko pa lang napagtutuunan ng pansin.
Napapa-isip ako, ano kaya ang plano ng Diyos sa akin? Ano ang tadhanang nakalaan para sa akin? Sa ngayon, hindi ko pa alam.
Pumasa ako sa board exam.
Masaya ako at nagpapsalamat sa Diyos. “Out of the 78,135 who took the exam July 2 and 3 of this year, only 37,513 have been fortunate to pass.”—Naman! Hindi man lang kami nangalahati. Isa akong maswerteng nilalang. Kasi kung tutuusin, sa apat na taon sa kolehiyo, hindi ata ako nagseryoso. Happy-go-lucky lang. Basta pumasa lang sa exams and magsubmit ng requirements on time. J Pero hindi ko din pinapabayaan ang grades ko, kahit hindi ko naman talaga personal choice ang NURSING. Sa mga hindi nakaka-alam, madaming nursing students ang ayaw mag-nursing kaso dahil sa “peer pressure”. At gusto ng magulang, HALA! Sunod na lang. Sa akin kasi, after high school, ang tanging laman lang ng utak ko ay ang kagustuhan kong maging ASTRONAUT! Wala ng iba. KAya dahil malayo sa katotohanan ang gusto ko, at dahil masunurin akong anak sa mga magulang ko, heto at NURSE na nga ako. Alam ko, may reason kung bakit pinapasa ako ni GOD, nag-promise naman ako sarili ko na tutulong ako sa mga nangangailangan. And I’m serious. Kahit wala pa yang bayad. Hindi ko naman kasi habol yun. (weird ba?). Let’s see what will happen next.
Evil Laughers.
Ang 10 binibini na nagligtas sa akin sa ka-boringan ko sa college. Nagpapsalamat ako sa kanila. Kung wala sila, hindi ko na alam anong nangyari sa akin. Iba’t ibang religion and places man kami, lahat kami nagkakasundo. Isa pa sa pinagpapasalamat ko sa DIYOS dahil lahat kami pumasa lahat. Walang naiwan. Kasi hindi ko ata kaya kung meron kahit isa sa amin ang bumagsak. *pheew. Katulad ko wala pa rin silang matinong plano sa buhay. (we have really something in common. Haha). I so miss us. Yung iba kasi nagsi-uwian na sa mga provinces nila. Pero syempre tuloy tuloy pa din ang communication namin. Namimiss ko na ang sigawan namin kahit magkatabi lang, yung tipong napapatingin ang mga students na dumadaan. Ang tawa naming abot hanggang gate. Ang kwentuhan naming araw araw na walang katapusan. Ang pag-stalk naming sa engineering department para tingnan ang mga crushes namin. Ang pagkain namin sa labas. Napaka-dependent namin sa isa’t isa. Namimiss ko yung naglalakad kami sa town, tapos biglang hihinto sa gitna ng daan para mag-meeting kung saan kakain.( “Saan tayo kakain?. “Kayo?” “Hindi ko alam. Kahit saan na lang.” “Di ba gusto mo sa KFC?” “Suggestion lang nman yun.” “Pero kayo?” “ewan ko”..) Tapos tawanan. Pero isa lang nman ang nauuwian naming kainan, ang walang kamatayang Chicken fillet ng McDo at samahan mo ng float. (haha. Natatawa ako dito.)
After 5 years? 10 years? Hindi ko alam kung saan na kami dadalhin ng sari-sarili naming tadhana, pero hiling ko kahit saan o ano pa man yun, at the end of the line, magkikita kita pa rin kami na parang walang nagbago.
B.C Gang
Eto naman yung mga kaibigan pero halos na mga kapatid ko na. Mga best friends ko from high school. J Sila yung mga closest sa pinaka-closest pa sa akin. After high school, iba’t ibang school ang pinasukan namin. Magkakalayo. Painsan lang kami kung magkita. Pero after college, heto pa din kami. Going strong. I’m thankful that I have them. Sila yung mga taong nagtutuwid pag nalilihis na ako ng landas. I’m looking forward sa araw na kompleto at successful kaming lahat. Masasabi kong sa kanila, ang pisi ng pagkakaibigan na meron kami ay kailanman hindi na mapuputol. InshALLAH ameen.
Religion
As usual medyo FAILED pa din ako dito. Pero I am trying hard. InshaALLAH I will do my best. Paunti unti babawasan ang mga distractions.
What’s next?
Medicine. Kahit kelan hindi ko talaga pinangarap ang maging isang DOKTOR. Kahit sa panaginip wala. Pero ang mga magulang ko, gusto na mag-aral ako ulit. Tinatanong man nila kung gusto ko, pero wala akong lakas ng loob na sabihin yung gusto kong sabihin kasi alam ko pangarap nila yun. Masunurin akong anak, pero hindi ko alam kung kaya ko. Nararamdaman ko na masasaktan ko sila pag nabigo ko sila. *buntong hininga*. Sinasabi kasi nila, sa dinami dami ng gusting maging doctor, kaso hindi magawa kasi walang pera. Hindi nman kasi daw para sa kanila jundi para sa akin. Tapos heto ako, hindi pinoproblema ang pera dahil ang mga magulang ko handing gumastos, ako naman tong hindi desidido. Hindi naman sa ayaw ko, at hindi din naman sa gusto ko. Kaya magulo. Ang gulo ko. Bahala na.
Lastly, buhay pag-ibig.
Akala ko natagpuan ko na si Mr. Right, yun pala hindi. Umasa na naman ako. Sabi ko na nga ba. Dapat pinakinggan ko ang alter ego ko. Hindi ko alam paano natapos, kahit hindi naman nasimulan. Hindi ko alam bakit nawala, kahit wala naman kaming na-umpisahan. (Sumasakit ang ulo ko).
Pero syempre nasaktan ako kahit hindi ko pa aminin. Ang puso ko kawawa na nman. Buti na lang ang dali kong mag-move on. Tapos na ako sa Denial, Anger, Bargaining, Depression at Acceptance na stage. Iniisip ko na lang, na may rason ang lahat. Minahal ko sya at inakala kong mahal nya din ako. Naramdaman ko nman yun. Kaso may mahal syang iba. At yung mahal nya, may mahal din na iba. (It is so complicated). Bakit kasi hindi na lang kami? *sigh* Ewan ko. Siguro may darating na mas higit pa. Hindi na ako nagmamadali. Alam ko may nilaan ang Diyos na para sa akin at akin lamang. Balang araw magtatagpo din ang mga landas namin. Alam ko na may darating pa na dadaan lang sa buhay ko na mamahalin ko at iiyakan ko, at masasaktan ako pero handa na ako dun. Pero hangga’t kayang iwasan eh iiwasan ko. (SANA wala na. Sino kayang nilalang ang gusting masaktan?)
Hindi kayang ibahagi sa ibang tao ng personal, kaya pinili ko na lamang ditto ilahad. Wala na kasi akong diary. Kaya heto. Pinipilit ilabas ang nararamdaman. Nakakagaan kasi ng pakiramdam. ^^



0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento