“Panaginip na naman.”, ang namutawi sa mga labi ni Jay, sabay dilat ang mga mata at waring nakatingin sa kawalan. Nilalamig subali’t pinagpapawisan ng malapot.
“Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ulit?”
Malakas ang tibok ng puso. Hinihingal na daig pa ang tumakbo ng mabilis. Nag-iisip ng malalim. Ang antok, tila nagtampo sa kanya at hindi na sya muling dinalaw pa. Mag-iisang buwan na ding palaging ganito ang napapaniginipan nya.
Pilit winawaksi ni Jay sa isipan ang napaniginipan nya kagabi.Ang halos gabi gabi nyang napapnaginipan. Ibinaling ang atensyon sa trabaho at sa iba pang bagay.
“Jay, Jay..”, malakas na sigaw na katrabaho ni jay mula sa kabilang lamesa. Subali’t tila walang naririnig nag binata at patuloy lang sa ginagawa.
“Jay!!!”, pagalit na sigaw ng katrabaho at sabay binato ng bolpen si jay na tumama sa ulo nito.
“Aray naman.”
“Mabuti nga sayo. Yung cp mo kasi nakakastorbo na. Kung ayaw mong sagutin ay pwede bang i-off mo na lang dahil nakakstorbo ka na sa iba dito.”
Dali daling kinuha ni Jay ang cp sa bag.
“20 missed calls.”
Napa-buntong hininga na lang si Jay ng Makita na ang panagalan ni Ana sa listahan. Ang kasintahan nito.
1..2..3..4..5 minuto ding tinititigan ni Jay ang cp. Hindi makapag-isip ng mabuti.
Nag-ring ulit ang cp at dahil sa pagkataranta ay napindot nya agad eto.
Dahan dahang nilalapat ni Jay ang cp sa tainga nya.
“Hello. Jay?”. Ang malumanay na boses ni Ana sa kabilang linya.
“Nanjan ka ba?”
“Hello. Pasensya na, hindi ko kasi narinig ang mga tawag mo kanina. Medyo madaming ginagawa.”, ang mahinang sagot ni Jay.
“Tinatawagan kita kagabi hindi ka din sumasagot. Nag-aalala lang kasi ako.”
“Maaga lang ako nakatulog kagabi. Pasensya na.”
“Ah. Ganon ba.” Sagot ni Ana at nasundan ng katahimikan.
“Jay?"
“hmmm"
“Pwede ba tayong mag-usap."
“Ngayon? Hindi pwede eh. Medyo madaming ginagawa dito sa opisina."
“Ahh.", pilit na sagot ni Ana.
“Ana, may problema ba?"
“Ikaw Jay? May problema ba? Huwag naman ganito please oh.”
Kapansin pansin na sa boses ng dalaga ang paghikbi.
“Ana. Wala namang......"
“Walang problema Jay? Hindi ba to problema sayo. Mag-iisang buwan na tayong ganito ah.”
“Pero wala naman talaga.”, matigas na tugon ni Jay.
“Alam mo jay, kung ayaw mo na sabihin mo sa akin ng deretcho. Hindi yung ganitong ginagawa mo akong manghuhula. Hindi ko kayang hulaan kung ano yang nanjan sa puso mo.”, tumaas na ang boses ng dalaga.
Alam ni jay ang problema. Ang pabalik balik na napapanaginipan nya. Pero pilit nya itong bina balewala. Mahal nya si Ana. Subalit nababagabag sya. Hindi na nya alam anong nangyayari sa kanya. Tinatanong nya ang sarili nya araw-araw kung bakit pero walang sagot ang pumapasok sa kanya. Na-apektuhan na nito ng lubos ang relasyon nilang magkasintahan.
“Ana..Sorry..Hindi ko alam paano..."
“Masakit na jay. Ang sakit sakit na.", hagulgol ng dalaga.
“Magkita tayo. Ayusin natin to please. Mahal kita ana, alam mo yan.”
“Mahal? Alam mo pa ba ang kahulugan ng mga salitang yan?
“Hindi ko alam na nasasaktan ka na..Patawarin mo ako."
“Ang manhid mo naman. Ang damot mo. Konteng eksplenasyon hindi mo pa magawa. Sana magawa mong sabihin sa akin ang totoo balang araw. Maghihintay ako Jay, kasi mahal na mahal kita. Pero sana dumating ang araw na yon ng hindi pa huli ang lahat.”
Toot..toot.ttooot. at tuluyan ng naputol ang tawag mula sa kabilang linya. Gusto nya man itong tawagan subali't alam nyang hindi na nito sasagutin ang tawag niya.
Tulala na naman si Jay. Ang gulo ng isip nya. Ilang oras pa ang lumipas, nalaman nyang hindi nya kayang nasasaktan si Ana. Pagmamahal o Awa ba ang kanyang nararamdamn ay hindi nya mapagtanto sa mga oras na yon. Ang tanging alam lang nya ay dapat puntahan nya ang dalaga ngayon.
“Bahala na.”, dali daling tumayo at nag-ayos ng gamit si jay at lumabas sa opisina. Hindi naman lang sya nakapag-paalam sa mga kasamahan nya.
Dahil malapit lang ang opisina ni Ana sa pinagtatrabhuhan ni Jay ay dali pinili na nitong maglakad.
Malamig na ang simoy ng hangin. Kapansin pansin ang kaunting taong naglalakd sa daan, dahil na din siguro sa balitang may tatama na nman na bagyo sa bansa. Hindi ininda ni Jay ang makulimlim na kapaligiran.
Napa-hinto sa paglalakad si Jay,
“Parang pamilyar to. Ang daanan, ang mga sasakyan." Pamilyar ang pakiramdam na nararamdamn ni Jay sa mga oras na yon.
“Parang nangyari na to ah.”
Pinagmasdan at paligid at bumuntong hininga.
“Guni guni ko lang siguro. Masyado lang akong maraming iniisip”, pagpapaklama nya sa sarili.
Binilisan na nya ang paglakad, malapit na sya sa kung saan naroon si ana. Ilang hakbang na lang maayos na niya ang lahat.
Paisa-isang hakbang ng bigla syang matigilan.
Ang bilis ng tibok ng puso nya, pinagpapwisan ng malapot. Nilalamig ang buong katawan. Hinihingal hindi dahil sa kapaguran. Katulad ng sa panaginip nya. Ang pagkakaiba nga lang gising sya at nasa realidad na.
Napatingin ang babae sa di kalayuan na tila gulat. Ang mata ay halos nanglaki ng Makita nya si Jay na papalapit na parang wala sa sarili.
“Claire.” Ang tanging nasambit ni Jay na tila hindi makapaniwala sa nakikita.
“Jay.”, ang mahinahing tugon ng babae sa harap nya.
Tuluyan ng bumagsak ang napaka lakas na ulan. Hindi alintana ng dalawang tao ang lamig na nadarama nila sa mga oras na yon. Tumigil ang mundo para sa kanila. Bumalik ang nakaraan. Ang mga matang sabik sa bawa’t isa. Nakalimutan na nila ang realidad. Limang taon ang nakalipas ng huli silang magkita pero ang mga puso nila parang muling pinag-isa.
“Ang panaginip ko nagkatotoo.”, ang nasambit ni Jay..
---END--

0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento