Panaginip

Panaginip na naman.”, ang namutawi sa mga labi ni Jay, sabay dilat ang mga mata at waring nakatingin sa kawalan. Nilalamig subali’t pinagpapawisan ng malapot.
“Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ulit?
Malakas ang tibok ng puso. Hinihingal na daig pa ang tumakbo ng mabilis. Nag-iisip ng malalim. Ang antok, tila nagtampo sa kanya at hindi na sya muling dinalaw pa. Mag-iisang buwan na ding palaging ganito ang napapaniginipan nya.

Pilit winawaksi ni Jay sa isipan ang napaniginipan nya kagabi.Ang halos gabi gabi nyang napapnaginipan. Ibinaling ang atensyon sa trabaho at sa iba pang bagay.
“Jay, Jay..”, malakas na sigaw na katrabaho ni jay mula sa kabilang lamesa. Subali’t tila walang naririnig nag binata at patuloy lang sa ginagawa.
Jay!!!”, pagalit na sigaw ng katrabaho at sabay binato ng bolpen si jay na tumama sa ulo nito.
“Aray naman.”
Mabuti nga sayo. Yung cp mo kasi nakakastorbo na. Kung ayaw mong sagutin ay pwede bang i-off mo na lang dahil nakakstorbo ka na sa iba dito.”
Dali daling kinuha ni Jay ang cp sa bag.
“20 missed calls.”
Napa-buntong hininga na lang si Jay ng Makita na ang panagalan ni Ana sa listahan. Ang kasintahan nito.
1..2..3..4..5 minuto ding tinititigan ni Jay ang cp. Hindi makapag-isip ng mabuti.
Nag-ring ulit ang cp at dahil sa pagkataranta ay napindot nya agad eto.
Dahan dahang nilalapat ni Jay ang cp sa tainga nya.

“Hello. Jay?”. Ang malumanay na boses ni Ana sa kabilang linya.
“Nanjan ka ba?”

Hello. Pasensya na, hindi ko kasi narinig ang mga tawag mo kanina. Medyo madaming ginagawa.”, ang mahinang sagot ni Jay.

“Tinatawagan kita kagabi hindi ka din sumasagot. Nag-aalala lang kasi ako.”

“Maaga lang ako nakatulog kagabi. Pasensya na.”

“Ah. Ganon ba.” Sagot ni Ana at nasundan ng katahimikan.

“Jay?"
“hmmm"

“Pwede ba tayong mag-usap."

“Ngayon? Hindi pwede eh. Medyo madaming ginagawa dito sa opisina."

“Ahh.", pilit na sagot ni Ana.

“Ana, may problema ba?"
“Ikaw Jay? May problema ba? Huwag naman ganito please oh.”
Kapansin pansin na sa boses ng dalaga ang paghikbi.

“Ana. Wala namang......"

“Walang problema Jay? Hindi ba to problema sayo. Mag-iisang buwan na tayong ganito ah.”
“Pero wala naman talaga.”, matigas na tugon ni Jay.

“Alam mo jay, kung ayaw mo na sabihin mo sa akin ng deretcho. Hindi yung ganitong ginagawa mo akong manghuhula. Hindi ko kayang hulaan kung ano yang nanjan sa puso mo.”, tumaas na ang boses ng dalaga.

Alam ni jay ang problema. Ang pabalik balik na napapanaginipan nya. Pero pilit nya itong bina balewala. Mahal nya si Ana. Subalit nababagabag sya. Hindi na nya alam anong nangyayari sa kanya. Tinatanong nya ang sarili nya araw-araw kung bakit pero walang sagot ang pumapasok sa kanya. Na-apektuhan na nito ng lubos ang relasyon nilang magkasintahan.

“Ana..Sorry..Hindi ko alam paano..."

“Masakit na jay. Ang sakit sakit na.", hagulgol ng dalaga.

“Magkita tayo. Ayusin natin to please. Mahal kita ana, alam mo yan.”
“Mahal? Alam mo pa ba ang kahulugan ng mga salitang yan?

“Hindi ko alam na nasasaktan ka na..Patawarin mo ako."

“Ang manhid mo naman. Ang damot mo. Konteng eksplenasyon hindi mo pa magawa. Sana magawa mong sabihin sa akin ang totoo balang araw. Maghihintay ako Jay, kasi mahal na mahal kita. Pero sana dumating ang araw na yon ng hindi pa huli ang lahat.”

Toot..toot.ttooot. at tuluyan ng naputol ang tawag mula sa kabilang linya. Gusto nya man itong tawagan subali't alam nyang hindi na nito sasagutin ang tawag niya.


Tulala na naman si Jay. Ang gulo ng isip nya. Ilang oras pa ang lumipas, nalaman nyang hindi nya kayang nasasaktan si Ana. Pagmamahal o Awa ba ang kanyang nararamdamn ay hindi nya mapagtanto sa mga oras na yon. Ang tanging alam lang nya ay dapat puntahan nya ang dalaga ngayon.

Bahala na.”, dali daling tumayo at nag-ayos ng gamit si jay at lumabas sa opisina. Hindi naman lang sya nakapag-paalam sa mga kasamahan nya.

Dahil malapit lang ang opisina ni Ana sa pinagtatrabhuhan ni Jay ay dali pinili na nitong maglakad.

Malamig na ang simoy ng hangin. Kapansin pansin ang kaunting taong naglalakd sa daan, dahil na din siguro sa balitang may tatama na nman na bagyo sa bansa. Hindi ininda ni Jay ang makulimlim na kapaligiran.
Napa-hinto sa paglalakad si Jay,
Parang pamilyar to. Ang daanan, ang mga sasakyan." Pamilyar ang pakiramdam na nararamdamn ni Jay sa mga oras na yon.
“Parang nangyari na to ah.”
Pinagmasdan at paligid at bumuntong hininga.
“Guni guni ko lang siguro. Masyado lang akong maraming iniisip”, pagpapaklama nya sa sarili.
Binilisan na nya ang paglakad, malapit na sya sa kung saan naroon si ana. Ilang hakbang na lang maayos na niya ang lahat.
Paisa-isang hakbang ng bigla syang matigilan.

Ang bilis ng tibok ng puso nya, pinagpapwisan ng malapot. Nilalamig ang buong katawan. Hinihingal hindi dahil sa kapaguran. Katulad ng sa panaginip nya. Ang pagkakaiba nga lang gising sya at nasa realidad na.

Napatingin ang babae sa di kalayuan na tila gulat. Ang mata ay halos nanglaki ng Makita nya si Jay na papalapit na parang wala sa sarili.

“Claire.” Ang tanging nasambit ni Jay na tila hindi makapaniwala sa nakikita.
“Jay.”, ang mahinahing tugon ng babae sa harap nya.

Tuluyan ng bumagsak ang napaka lakas na ulan. Hindi alintana ng dalawang tao ang lamig na nadarama nila sa mga oras na yon. Tumigil ang mundo para sa kanila. Bumalik ang nakaraan. Ang mga matang sabik sa bawa’t isa. Nakalimutan na nila ang realidad. Limang taon ang nakalipas ng huli silang magkita pero ang mga puso nila parang muling pinag-isa.

“Ang panaginip ko nagkatotoo.”, ang nasambit ni Jay..


---END--




Pagbabalik-tanaw

Madami-dami na ding kaganapan ang nangyari. Madami dami na din akong napagtanto. Mga bagay bagay na ngayon ko pa lang napagtutuunan ng pansin.
Napapa-isip ako, ano kaya ang plano ng Diyos sa akin? Ano ang tadhanang nakalaan para sa akin? Sa ngayon, hindi ko pa alam.

Pumasa ako sa board exam.
Masaya ako at nagpapsalamat sa Diyos. “Out of the 78,135 who took the exam July 2 and 3 of this year, only 37,513 have been fortunate to pass.”—Naman! Hindi man lang kami nangalahati. Isa akong maswerteng nilalang. Kasi kung tutuusin, sa apat na taon sa kolehiyo, hindi ata ako nagseryoso. Happy-go-lucky lang. Basta pumasa lang sa exams and magsubmit ng requirements on time. J Pero hindi ko din pinapabayaan ang grades ko, kahit hindi ko naman talaga personal choice ang NURSING. Sa mga hindi nakaka-alam, madaming nursing students ang ayaw mag-nursing kaso dahil sa “peer pressure”. At gusto ng magulang, HALA! Sunod na lang. Sa akin kasi, after high school, ang tanging laman lang ng utak ko ay ang kagustuhan kong maging ASTRONAUT! Wala ng iba. KAya dahil malayo sa katotohanan ang gusto ko, at dahil masunurin akong anak sa mga magulang ko, heto at NURSE na nga ako. Alam ko, may reason kung bakit pinapasa ako ni GOD, nag-promise naman ako sarili ko na tutulong ako sa mga nangangailangan. And I’m serious. Kahit wala pa yang bayad. Hindi ko naman kasi habol yun. (weird ba?). Let’s see what will happen next.


Evil Laughers.

Ang 10 binibini na nagligtas sa akin sa ka-boringan ko sa college. Nagpapsalamat ako sa kanila. Kung wala sila, hindi ko na alam anong nangyari sa akin. Iba’t ibang religion and places man kami, lahat kami nagkakasundo. Isa pa sa pinagpapasalamat ko sa DIYOS dahil lahat kami pumasa lahat. Walang naiwan. Kasi hindi ko ata kaya kung meron kahit isa sa amin ang bumagsak. *pheew. Katulad ko wala pa rin silang matinong plano sa buhay. (we have really something in common. Haha). I so miss us. Yung iba kasi nagsi-uwian na sa mga provinces nila. Pero syempre tuloy tuloy pa din ang communication namin. Namimiss ko na ang sigawan namin kahit magkatabi lang, yung tipong napapatingin ang mga students na dumadaan. Ang tawa naming abot hanggang gate. Ang kwentuhan naming araw araw na walang katapusan. Ang pag-stalk naming sa engineering department para tingnan ang mga crushes namin. Ang pagkain namin sa labas. Napaka-dependent namin sa isa’t isa. Namimiss ko yung naglalakad kami sa town, tapos biglang hihinto sa gitna ng daan para mag-meeting kung saan kakain.( “Saan tayo kakain?. “Kayo?” “Hindi ko alam. Kahit saan na lang.” “Di ba gusto mo sa KFC?” “Suggestion lang nman yun.” “Pero kayo?” “ewan ko”..) Tapos tawanan. Pero isa lang nman ang nauuwian naming kainan, ang walang kamatayang Chicken fillet ng McDo at samahan mo ng float. (haha. Natatawa ako dito.)
After 5 years? 10 years? Hindi ko alam kung saan na kami dadalhin ng sari-sarili naming tadhana, pero hiling ko kahit saan o ano pa man yun, at the end of the line, magkikita kita pa rin kami na parang walang nagbago.


B.C Gang
Eto naman yung mga kaibigan pero halos na mga kapatid ko na. Mga best friends ko from high school. J Sila yung mga closest sa pinaka-closest pa sa akin. After high school, iba’t ibang school ang pinasukan namin. Magkakalayo. Painsan lang kami kung magkita. Pero after college, heto pa din kami. Going strong. I’m thankful that I have them. Sila yung mga taong nagtutuwid pag nalilihis na ako ng landas. I’m looking forward sa araw na kompleto at successful kaming lahat. Masasabi kong sa kanila, ang pisi ng pagkakaibigan na meron kami ay kailanman hindi na mapuputol. InshALLAH ameen.

Religion
As usual medyo FAILED pa din ako dito. Pero I am trying hard. InshaALLAH I will do my best. Paunti unti babawasan ang mga distractions.


What’s next?
Medicine. Kahit kelan hindi ko talaga pinangarap ang maging isang DOKTOR. Kahit sa panaginip wala. Pero ang mga magulang ko, gusto na mag-aral ako ulit. Tinatanong man nila kung gusto ko, pero wala akong lakas ng loob na sabihin yung gusto kong sabihin kasi alam ko pangarap nila yun. Masunurin akong anak, pero hindi ko alam kung kaya ko. Nararamdaman ko na masasaktan ko sila pag nabigo ko sila. *buntong hininga*. Sinasabi kasi nila, sa dinami dami ng gusting maging doctor, kaso hindi magawa kasi walang pera. Hindi nman kasi daw para sa kanila jundi para sa akin. Tapos heto ako, hindi pinoproblema ang pera dahil ang mga magulang ko handing gumastos, ako naman tong hindi desidido. Hindi naman sa ayaw ko, at hindi din naman sa gusto ko. Kaya magulo. Ang gulo ko. Bahala na.

Lastly, buhay pag-ibig.
Akala ko natagpuan ko na si Mr. Right, yun pala hindi. Umasa na naman ako. Sabi ko na nga ba. Dapat pinakinggan ko ang alter ego ko. Hindi ko alam paano natapos, kahit hindi naman nasimulan. Hindi ko alam bakit nawala, kahit wala naman kaming na-umpisahan. (Sumasakit ang ulo ko).
Pero syempre nasaktan ako kahit hindi ko pa aminin. Ang puso ko kawawa na nman. Buti na lang ang dali kong mag-move on. Tapos na ako sa Denial, Anger, Bargaining, Depression at Acceptance na stage. Iniisip ko na lang, na may rason ang lahat. Minahal ko sya at inakala kong mahal nya din ako. Naramdaman ko nman yun. Kaso may mahal syang iba. At yung mahal nya, may mahal din na iba. (It is so complicated). Bakit kasi hindi na lang kami? *sigh* Ewan ko. Siguro may darating na mas higit pa. Hindi na ako nagmamadali. Alam ko may nilaan ang Diyos na para sa akin at akin lamang. Balang araw magtatagpo din ang mga landas namin. Alam ko na may darating pa na dadaan lang sa buhay ko na mamahalin ko at iiyakan ko, at masasaktan ako pero handa na ako dun. Pero hangga’t kayang iwasan eh iiwasan ko. (SANA wala na. Sino kayang nilalang ang gusting masaktan?)



Hindi kayang ibahagi sa ibang tao ng personal, kaya pinili ko na lamang ditto ilahad. Wala na kasi akong diary. Kaya heto. Pinipilit ilabas ang nararamdaman. Nakakagaan kasi ng pakiramdam. ^^

If you're in doubt, throw it out

Should I?
This kahibangan of mine should STOP na. So last sunday, I decided to do something. I asked my friend to change my password sa FB account ko. I think it will work naman. Atleast ma-lelessen ang temptations ko. HAHA. Temptations like reading our exchanged messages dun. I think malapit ko na yun mamemorize. LOL. Paulit-ulit na kasi. :D 
*sigh* I really miss him a lot. :'( Dapat kasi nagpaalam siya ng maayos. Kaya siguro, I'm doubting him kasi may mga promises sya na hindi nya natupad.  *sobs* (Magkikita daw kami before Ramadan, kaso hindi naman natupad.) T_____T

Bantay talaga siya pag bumalik sya. Papasadahan ko sya ng limpak limpak na na tanong. *raawr.
Sana lang bumalik siya. :D 
I am really looking forward sa time na yun. <3

 

RAMADAN. RAMADAN. :)


"Ramadan is a SPECIAL guest...we are most blessed to be alive to see it again."
ALHAMDULILLAH.
Ang buwan na napaka-espesyal para sa mga MUSLIM na katulad ko. Hindi ko maipaliwanag ng maayos, pero ang sarap sa pakiramdam kapag dumating na ang buwan ng pag-aayuno. Siguro likas na ito para sa aming mga MUSLIM. Masaya ako kasi alam ko eto na ang simula ng pagbabalik loob ko sa ALLAH. Inshaallah. Hindi ako ganoon karelihiyoso pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maging isang ganap na muslim sa tulong na din ni ALLAH. Alam kong hindi pa huli ang lahat, Inshaallah magtuloy tuloy na ito. :))





Poser ka daw??!!

Pero malakas ang feeling ko totoo ka. :(
Haiiii. Magparamdam na kasi. :(

Buhay pag-ibig

Hindi naman ganoon katingkad ang buhay pag-ibig ko kung ikukumpara sa iba. Bilang isang babaeng MUSLIM at ipinanganak sa lupang konserbatibo. ang pagkakaroon ng nobyo ay hindi tanggap. Sa katunayan sa batas ng ISLAM, tinuturing itong kasalanan. Alam ko sa sarili ko na hindi ako ganoon karelihiyosong tao pero alam ng DIYOS na sinisikap kong maging isa. Subalit dahil siguro sa panahon ngayon ay karamihan sa mga kabataan ay hindi na nakakaligtas sa pagkakaroon ng nobyo at nobya mapa-MUSLIM man o hindi.

Kasalanan, napakahirap nitong iwasan. Bilang isang tao ay likas na sa atin ang makaramdam ng pagmamahal sa isang tao. Una kong naramdaman ito nung nasa ika-apat na taon na ako ng high school. Nagsimula sa text text at hanggang sa bumigay na nga ang aking puso. Cellphone, isa sa mga salot ng kabataan ngayon. Madami ang nabibiktima nyan mapa-bata man o matanda. Kung iisipin napaka-bata ko pa ng mga panahong iyon. Subalit naramdaman ko na ang kahulugan ng pag-ibig. Minahal ko sya. Sobra sobra. Dahil sa alam naming dalawa na hindi tanggap sa ISLAM ang magkaroon ng kasintahan ay hanggang text lang kami ngpapalitan ng mga nakak-umay na mensahe. (sa susunod ko na isusulat ang tungkol sa kanya), Basta sa kasamaang palad pagkatapos ng isang taon, ay nagkahiwalay kami. Kahit pa sabihin na hindi kami ngkasama, pero ibang klase pa rin ang sakit. At maniwala man kayo o sa hindi, may kaunting sakit pa din ang nakatatak dito sa puso ko. maari nyong isipin na na-TRAUMA nga yata ako. Nakakatawa pero parang ganun. Ilang taon na din ang nakalipas, pero naiisip ko pa din sya paminsan minsan. Sa kolehiyo may mga lalaki din akong naging ka-"fling-fling", kung tawagin nila. Karamihan sa text lang din lahat nag-umpisa. Pero walang seryoso. Kasi naiisip ko na wala ding patutunguhan lahat. Hindi naman ako "man-hater" talaga, pero ewan ko anong nangyari. Dahil na rin siguro takot ako sa magulang ko at sa Diyos kaya walang seryosong relasyon ang nagdaan sa buhay ko. Binubuhos ko na lang ang attensyon ko sa kakaisip na ang lalaking nakatadhana sa akin ay ang aking high school classmate na itago natin sa palayaw na JS 3218. <3
Mahaba habang kwento din yan kaya sa susunod na lang. :D

Posible kaya? ;(

Hindi ko siya kilala, 
Pero bakit parang tinamaan ata ako sa kanya?
Alam ko na lokohan lang lahat, 
Subali't bakit parang ako yata ay umaasa?
Madalas nyang sinasabi na totoo,
Pero ako itong hindi nagseseryoso.

Matagal ko ng hindi pinaniniwalaan ang mga katagang,
"mahal kita", "miss na kita",
lalo na sataong hindi ko pa nakikita.


Pambihira, pinaglalaruan kaya ako ng tadhana?
Bakit para yatang gusto kong maniwala?

Pipigilin ko na ang sarili ko habang maaga.
Gagawin ko ito, sapagka't ito ang alam kong tama.
Bubuwagin ko na habang wala pang nabubuo.
Wawakasan ko na habang hindi pa nag-uumpisa.
Titigil na ako hanggat sa kaya ko pa.


HP will end. :(

It breaks my heart.